Silid (10 Min Play)
Kris Diaz Uy

 

SA LOOB NG ISANG SILID, NAG-PAPAKO NG PLYWOOD SA BINTANA SI JULIO.
MOMMY NI JULIO
(Kuma-katok)
Julio! anak. Buksan mo ang pinto.
JULIO
Sanidali lang. (Tumigil sa pag-mamartilyo, bubuksan ang pinto) Ano yun Ma?...
MOMMY NI JULIO
Julio pu-punta tayo si Tita Betty mo, mag-bihis ka na.
JULIO
Ikaw nalang Ma... meron pa akong ginagawa dito eh.
MOMMY NI JULIO
(Mapapatingin sa may bintana)
Ano ba naman yan Julio?! ano bang pinaggagawa mo sa sa buhay mo. simula ng mawala si Bernice puro ka nalang ganyan. Hindi lang siya ang dahilan kung bakit nandito ka sa mundo, bat ka ba nag-kukulong dito? Bat di ka lumabas at maglibang?
JULIO
O, sige na Ma... hahaba nanaman tong usapan eh.
(Dali-daling sinara nag pinto. bubalik sa may bintana para ipagpatuloy ang pag-papako)
JULIO (CONT'D)
(Monologo)
Bakit ganito yung buhay ko? Hindi ko alam. Alam ko lang, trinaydor ako ng tang-inang buhay na to. biruin mo... ipinanganak ka, tapos ano? Sa-salubungin mo lang lahat ng kamalasan dito sa mundo. tapos, pag medyo tinopak-topak ka't Sinibukan mong labanan yung tadhana mo? Ayan you'll do everything para lang di ka mag-mukhang talo... tapos ano? lahat ng pinag-hirapan mo? Eh ayun, parang mga taeng na-flush mo sa inidoro. nakakabadtrip diba? parang tong nangyari sakin... Buong buhay ko puro kamalasan nalang nangyayari sakin. sabay yun, may dumating para i-raise yung hopes ko. si Bernice, Girl ko... tang-ina! I still remember yung times magkasama pa kami, lahat nga ng na-go trough namin eh naaalala ko pa. Sabay after that... puro away na ang nangyari... tapos... tapos she left me...(katahimikan) hindi pa siya bumabalik... hanggang ngayon. Eto ang buhay ko, puro pa-asa, pero in the end... talo ka parin pala. so here, mas minabuti ko pang mag-isolate dito sa kwarto ko. walang gulo, walang problema, walang away, walang ulan, walang mga peste sa buhay and most of all walang bullshit na fate na pag trinaydor ka eh pagsisisihan mo kung bakit ka pa sumubok labanan yun. (Titigil sa pag-pako, patlang.. pupunta sa higaan) nakaka walang gana kasi tong mundong to eh, kasi lahat naman ng nandito puro walang sense. lahat starting from material things, your future, friends, family, pati love. lahat temporary lang. Sawang-sawa na ako saganitong setup eh. (Hihiga) da-daanin ko nalang lahat sa tulog. (mag-aayos ng mga unan at iidlip)
MAWAWALA ANG ILAW SA BUONG ENTEBLADO.
MIKE
(Kumakatok)
Lio! si Mike to dude, open the door!
MAGBABALIK ANG ISANG ILAW NA NAKATUTOK KAY JULIO.
MIKE
JULIO! GISING NA!
MAGLILIWANAG SA BOUNG ENTABLADO.
JULIO
(Ba-bangon, bu-buksan ang pinto)
MIKE! pare! Pasok. (Bibatukan ni Mike si Julio)
MIKE
Kumusta ka na? bat ka naman nag-kukulong dito?
UUPO ANG DALAWA.
JULIO
Wala lang� ayaw ko lang lumabas, tang-ina! puro kalokohan lang naman sasalubong sayo pag nandoon ka eh.
(Dudukot sa bulsa , mag-sisindi ng sigarilyo)
MIKE
Is that so? Di nga?... (katahimikan) palagay ko si Bernice ang dahilan ng lahat ng to eh? alam mo, maraming babae diyan. Maglibang ka ng makakita ka ng mga chikas. (tinapik ang kaibigan) Penge ngang yosi. (Iaabot ni Julio ang sigarilyo't lighter))
JULIO
What for? para maranasan ko ulit lahat ng mga fucked-up things na nangyari before? no thanks... wag na lang. maiba ako... ikaw? kumusta ka na?
MIKE
Heto, makaa-alis na rin sa letcheng lugar na to, pupunta na akong Canada. Doon nalang ako mag-sisimula mag-ayos ng buhay ko.
JULIO
(Natatawa)
Ahh� Oo�. (hahagikhik), Goodluck nalang. Di kasi ako naniniwala sa mga ganyan eh. Sorry ha... (Tuloy sa pag-tawa)
MIKE
(tatayo sa kinauupoan)
Kupal ka talaga, ass-hole! (Ba-batukan ulit si Julio) so ano?... pano? alis na ako. dinaanan lang naman kita para kumustahin ka eh, may interview pa kasi ako mamyang two. pano ba yan dude?
JULIO
(Mag-kakamot ng ulo, lalapit sa may pinto)
S-sige, dalas-dalasan mo nalang yang pag-punta mo dito. (Bubuksan ang pinto, lalabas si Mike)
MIKE
Sige... pag-balik ko may pasalubong na ako sayo.
JULIO
Ano? Mane?... gusto ko yung buhay ah. (Matatawa)
MIKE
(Ma-papangiti)
Malakas ka sakin eh! sige akong bahala sa mane. o, pano? sige na. (La-labas ng pinto)
JULIO
Sige, thanks sa dalaw pare. (Isasara ang pinto)
MULING MAWAWALA ANG MGA ILAW SA ENTABLADO.
Lalaking Nakaputi
(Naka-upo sa tabi ng higaan ni Julio)
Julio... gising na...
UNTI-UNTING BA-BALIK ANG ILAW.
Lalaking Nakaputi
(Kakalabitin si Julio)
Hoy! gumising ka na...
JULIO
(Ma-aalimpungatan)
S-sino ka?!... a-anong gina-gawa mo dito sa kwarto ko?! (Nahulog sa kinahihigaan)
Lalaking Nakaputi
Di na importante ang pangalan ko, nandito ako para tulungnan ka. (I-aabot ang kanang kamay kay Julio)
JULIO (CONT'D)
(Mag-isang tatayo)
Sinong nag-sabing pumasok ka dito?! alam mo bang pwede kitang i-pakulong?!
Lalaking Nakaputi
Hindi na nating kailang pang umabot diyan... nandito ako para tulungang ka, hindi para ikulong ka.
JULIO (CONT'D)
Anong pinag-sasabi mo?! ikaw ang ipapakulong ko!
Lalaking Nakaputi
Sigurado ka?
JULIO (CONT'D)
Oo!
Lalaking Nakaputi
Isipin mo ngang mabuti yang mga pinagsasabi mo. Dibat ikaw ang dapat i-kulong. pero di na naman kailangan diba?
nagkukulong ka na naman dito eh... dito sa kwarto mo. (pagtatawanan si Julio)
JULIO (CONT'D)
TANG-INA MO! SINO KA BA TALAGA?! (Tatakbo sa may pinto at sisigaw) Ma! sino ba tong pinapasok mo dito!?
Lalaking Nakaputi
Wag ka ngang mag-aksaya ng pagod mo. (Lalapit kay Julio)
JULIO (CONT'D)
(Maguguluhan at matatahimik)
A-alam mo ba kung ano ang problema ko? (Ma-papaupo sa sahig) k-kaya mo ba talaga akong tulungan?...
Lalaking Nakaputi
(Mauupo din sa sahig)
Oo, ako lang ang makaka-tulong sayo. ahh� maliban sa sarili mo?
JULIO (CONT'D)
Wala naman kasing kwenta tong buhay na to eh.
Lalaking Nakaputi
Anong nangyari? Bakit walang kwenta?
JULIO (CONT'D)
Lahat ng nangyayari puro walang kakwenta-kwenta, pati mga tao sa paligid ko lahat walang mga kwenta. si Bernice, i-niwan ako... kahit alam niya na siya lang yung may silbi sa buhay ko.
Lalaking Nakaputi
Bakit ka niya iniwan?
JULIO (CONT'D)
Ewan ko?... sabi niya babalik lang daw siya ng Paris para dalawin yung Daddy niya eh. sabi pa nga niya pag-dating daw niya dun, sa Airport palang tatawagan na raw niya ako.
Lalaking Nakaputi
Tapos?
JULIO (CONT'D)
Tapos, limang buwan na... wala man lang kahit E-mail. (Yu-yuko)
Lalaking Nakaputi
(Hahawak sa balikat ni Julio)
Baka naman may nangyari? baka... alam mo na...
JULIO (CONT'D)
(Hahawiin ang kamay ng lalaki)
Hindi! Mahal niya ako...
Lalaking Nakaputi
(Tatayo)
Sige, kung yan ang pina-niniwalaan mo. payo ko lang sayo... isipin mong mabuti ang mga gina-gawa mo sa buhay mo. (La-lakad palabas ng kuarto) sige, pag-balik ko nalang. (isasara ang pinto)
NANATILING NAKA-UPO SA SAHIG SI JULIO, NAG-IISIP. HAHAWAKAN ANG ULO AT SISIGAW. IBABATO NG MGA GAMIT. MAWAWALA ANG ILAW.
KI-KIRIRING ANG TELEPONO, MAGBABALIK ANG ILAW.
JULIO
(Sasagutin ang telepono)
Hello! Bernice?!.... (Walang sumagot, Binaba ang telepono) Tang-ina naman eh! tatawag-tawag tapos di sasagot.
MAY KA-KATOK.
MIKE
(Kumakatok)
Lio, Bukas!
JULIO
(Bubuksan ang pinto)
Pre... Whats up pre?
MIKE
(Mapapangiti)
Heto... may sorpresa ako sayo... (Tatawagin ang kasama) Aimee!
AIMEE
Hi, im Aimee... (naka-ngiti) you must be Lio?
JULIO
(Mag-kakamot ng ulo)
A-ako nga... hi din... (Matatahimik) C-come in...
PUMASOK ANG MGA BISITA. LUMAPIT SI MIKE KAY JULIO.
MIKE
(Bubulong)
Lio, ok ba? (aakbay)
JULIO
Ah eh, ok.... (Di-mapaliwanag ang hitsura)
AIMEE
So, Lio... Mikey, told me that you guys were friends simula nung kids pa kayo, im I rigth?
JULIO
Yeah, we know each other since nung kinder pa.
MIKE
Oo, nga... kumakain pa nga kami ng boogers noon eh... (Matatawa)
AIMEE
Tell me more guys, ano pa mga gross things na gina-gawa before?
MIKE
Ano nga daw ba dude?... sige tell her all about it.
JULIO
(Waring hindi nakikinig sa usapan)
Ah... eh... a-ano... i dunno? cant remember eh. s-sit down, nakakahiya naman sa inyo. gusto niyo uminom? (Napakamot ulit sa ulo, uupo)
MIKE
Sino taya?...
AIMEE
(Kay Mike)
Ikaw! (Tatawa, uupo sa kama ng naka cross-leg)
MIKE
Ako? (Patlang) sige, sige... ano gusto niyong inumin?
AIMEE
Just go and get a Vodka, medyo gusto ko kasing ma-lasing eh. (Pa-cute na tawa)
MIKE
Ano Lio? Absolute good enough for you dude?
JULIO
Ah.. sure.. kahit ano... Kaw bahala�
MIKE
sige, iwan ko muna kayo. (Tatayo) behave kayo kids ha... (Tatawa)
JULIO
(Tatayo, pupunta sa may CD-player)
Sige, bilisan mo.
LUMABAS NG KWARTO SI MIKE.
JULIO
(Mag-hahanap ng CD)
Uhm... Aimee? ano gusto mong music?
AIMEE
(Magpapa bedroom voice effect)
Ahh... anything...
JULIO
Hmm... (mag-hahanap ng cd) eto? Brian eno�
AIMEE
Great, ambient! sige that would do... (papa-cute parin)
JULIO
(Isasalang ang CD, Mabagal ang tugtog)
Yan... now what?
AIMEE
Dito ka sa tabi ko. Lets talk.
JULIO
(Lalapit at uupo)
ok?
AIMEE
So... balita ko, wala ka raw girl ngayon?
JULIO
Uh huh...
AIMEE
(Lalapit pa kay Julio)
Bakit?
JULIO
She's gone, wala siya dito sa Pinas. Ewan ko nga kung ba-balik pa siya eh... but what the heck, im gonna wait anyway.
AIMEE
Wow, so you still love her huh? Tell me naman about her.
JULIO
Bernice... a fine girl, she like everything I never knew that I've always wanted. Right now, I can't imagine being with another woman.
AIMEE
Uh, ok? What else?
JULIO
I'd rather not talk about it... please?
AIMEE
Ok, tagal naman ni Mikey? Saan ba siya bumili?
JULIO
Diyan lang, two blocks away from here.
PATULOY ANG TUGTOG.
AIMEE
Lio� (nagiisip) sayaw naman tayo.
JULIO
(magugulat)
Uhh� eh� ano?
AIMEE
(Tatayo)
I said come dance with me�. (Hihilahin si Julio) or gusto mo ikaw nalang sayawan ko?
PATULOY ANG TUGTOG. SASAYAW SI AIMEE, MABAGAL ANG TUGTOG KAYA MABAGAL DIN ANG PAG-SAYAW NI AIMEE. MAG-KUKUNWARING DI MAPAPANSIN ITO NI JULIO. LALAPIT SI AIMEE SA KANYA AT SASAYAWAN SIYA. A-AKITIN SIYA NITO. BUBUKAS ANG PINTO.
MIKE
(Papasok, may dalang bote ng Vodka)
I'm back! Anong ginagawa niyo?
JULIO
(Magugulantang)
Ah... eh.. Wala... nag-tritrip lang...
MIKE
O, ano? umpisahan na natin? (Bubuksan ang bote)
AIMEE
I'm good to go... kaw Lio?
JULIO
Sige, game.
IINOM ANG TATLO.LILIPAS ANG ISANG ORAS PAUBOS NA ANG BOTE. LASING NA ANG TATLO.
MIKE
Oops! ubos na to. Dyan muna kayo kids (Tumayo) bibili pa ako ng isa.
AIMEE
Go ahead.
JULIO
(Nakahiga sa kama)
Bilisan mo ha... (Si-sinokin)
LALABAS ALIT NG KWARTO SI MIKE. NAKAHIGA SA KAMA SI JULIO, LALAPIT SI AIMEE.
JULIO
A-Aimee? What are you doing?
AIMEE
(Uupo sa Ibabaw ni Julio)
Don't you like me? (Kukunin ang kanang kamay ni Julio at ilalagay sa kanyang dibdib) don't you?
MAPAPAPIKIT SI JULIO. YUYUKO SI AIMEE AT HAHAGKAN SIYA.
AIMEE
I'm good right? (Tuloy sa pag-halik)
JULIO
Hmmm... (Ga-ganti ng halik)
AIMEE
Right?
JULIO
uh huh.... (Tuloy sa ginagawa)
AIMEE
Alot better than Bernice?... (Tuloy parin)
ITUTULAK NI JULIO SI AIMEE, MAHUHULOG ITO SA HIGAAN.
AIMEE
(Mapapaupo sa sahig, magagalit)
WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?
JULIO
(Naka-tunganga)
N-nothing...
AIMEE
What a freak? YOUR CRAZY MAN!
JULIO
(Mapipikon)
SHUT UP! MAKAKA-TIKIM KA NA SAKIN! (Lalapit kay Aimee at hahawakan ito sa braso, kakaladkarin palabas ng kwarto)
DARATING SI MIKE.
MIKE
Hoy, anong nangyayari dito? (Mabibitawan ang boteng hawak)
AIMEE
(Pupunta kay Mike)
YOUR FUCKING FRIEND HERE IS CRAZY!
MIKE
Ano? Lio? what happened here?
JULIO
TANG-INA NIYO! Plano nyo to no? (Itutulak palabas ang dalawa) LUMAYAS KAYO! LABAS!
MIKE
Dude, di ko alam kung ano nangyayari... (Lalapitan si Julio)
JULIO
BULLSHIT! (Sasapakin si Mike, mapapaupo ito sa sahig) NOW GET OUT! BOTH OF YOU!
AALIS ANG DALAWA. ISASARA NI JULIO ANG PINTO AT ISA ISANG MAWAWALA ANG MGA ILAW SA ENTABLADO. ISA LANG ANG MATITIRA NAKATAPAT KAY JULIO
JULIO
(Monologo)
Eto na naman tayo... balik sa umpisa...wala na akong ibang ginawa kundi umikot na parang turumpo� Patuloy na nahihilo, patuloy na nagsasawa... kailan ako hihinto? wala na bang ibang paraan? Tuwing iisipin ko, lalo lang akong nasusuka... lalo ko lang gustong magkulong...
TATAYO KUKUHA ANG BOTE, IBABATO SA DINGDING. MAY MAGSASALITA.
Lalaking Nakaputi
(Nakatayo sa pintuan)
O, ano?... bat ka naman nag-wawala? ikaw na nga tong dinalaw ng kaibigan mo eh, ikaw pa tong galit.
MAG-KAKA ILAW ANG BUONG ENTEBLADO.
JULIO
(Magugulat)
P-pano ka naka-pasok?...
Lalaking Nakaputi
Kanina pa ako dito, kanina pa kita pinag-mamasdan. wala ka talaga... di ka talaga pwedeng lumabas ng kwarto mo, nag-wawala ka na eh.
JULIO (CONT'D)
Uh... I dunno... di ko alam... (Maguguluhan)
Lalaking Nakaputi
Tingnan mo nga? ni hindi mo nga alam yung mga gina-gawa mo. hay naku Julio, better start thinking about whats happening to you. para kang nabubuhay sa panaginip niyan eh... (Bubuksan ang pinto) A-alis na ako, Sana pag-balik ko o.k. na yang pag-iisip mo. (Lalabas)
MAWAWALA ANG ILAW PAG-SARA NG PINTO. DAHAN DAHANG TUTUTOK ANG ISANG NATITIRANG ILAW KAY JULIO.
JULIO
Huh?... (Tila nag-tataka sa kinaroroonan, Kakausapin ang mga taong nakapaligid sa kanya) S-sino kayo??
TAONG NAKA-PUTI 1
Hindi ka na makakaalis dito� Ikaw at kami ay iisa�
JULIO
Anong pinagsasabi niyo? Hindi ko naman kiyo kamukha ah?!
TAONG NAKA-PUTI 2
Hindi mo talaga kami maiintindihan. Nalilito din kami dati.
MAY MGA DADAAN PANG NAKA-PUTI
TAONG NAKA-PUTI 3
Hilika na kaibigan� sumama ka na sa amin.
JULIO
Arrrrrggh! sino ba kayo? ano ba ang gusto niyo?
PALILIBUTAN SIYA NG MGA ITO.
MGA TAONG NAKA-PUTI
Sumama ka na sa amin� Ikaw at kami ay iisa�
JULIO
Hindi! Hindi ko kayo kilala! (Hahawak sa ulo)
MGA TAONG NAKA-PUTI
Sumama ka na sa amin� Ikaw at kami ay iisa�
JULIO
Lumayo kayo! Ang babaho niyo! (Itutulak ang mga tao)
MGA TAONG NAKA-PUTI
Sasama ka sa amin� Ikaw at kami ay iisa�
MAGSISISIGAW SI JULIO. MAWAWALA NG TULULUYAN ANG ILAW. MAY KA-KATOK SA PINTO.
JULIO
(Magigising)
Huh!.. (Kakausapin ang sarili) Panaginip lang pala�
TULOY ANG PAG-KATOK.
JULIO
Sino yan? (Kakatok ulit, palakas ng palakas) FUCK! Sandali nga.
BUBUKSAN ANG PINTO, MAKIKITA SI BERNICE.
BERNICE
So... hows my Lio?
JULIO
Nice? (Magugulat) NICE! ITS YOU! (Aakapin siya ni Bernice) kala ko ba tatawag ka? Nag-antay ako.
BERNICE
Well... what matters is bumalik na ako. were you a good boy nung wala ako?
JULIO
O-oo naman! Ni lumabas nga ng bahay di ko ginawa eh. (Matatahimik) maski nga sa kwarto ko eh, ayaw ko na ring lumbas. (Bibitaw, uupo sa kama)
BERNICE
Hey? whats wrong? (Tatabihan si Julio)
JULIO
Nah... nothing really. Your back� your really back. (Mapapangiti)
BERNICE
Yes im back, dont worry... di na kita i-iwan ulit. (Yatakap ulit kay Julio)
JULIO
Ano ba nangyari? bakit hindi ka man lang tumawag?
BERNICE
Well... I was really gonna give you a call pag-dating ko sa Airport, but shit started to happen as soon as I got there. There was this problem with the immigration papers. So I have to go to the Philippine Embassy there sa Paris to fix it. After that I went on to my Dads apartment just to know that he moved to Marseille. So, I booked a bus ticket for Marseille and there I found him. It was a long story... anyways, im back here na naman eh. So don't be sad. (Hahalikan si Julio)
MAG-HAHALIKAN ANG DALAWA. MAWAWALA ANG ILAW.
JULIO
(Monologo)
Bakit ganito yung mga buhay natin? Di ko parin alam. Ang alam ko lang, Walang tiyak na bagay sa buhay ng tao. biruin mo... Bumalik na nga si Bernice� Pero ano? Pagkatapos ng tatlong Linggo, iniwanan din niya ako ulit. Ni di man lang siya nag-paalam. I won't be expecting her back anymore. nakakabadtrip talaga no? Nakakasawa� Paulit-ulit lang naman yung mga nangyayari eh. Kaya heto, Nandito parin ako sa kwarto ko. (Katahimikan) Pero minsan namimis ko rin yung mga gulo, mga problema, mga away, yung ulan, yung mga pesteng makukulit� Pati narin yung fate na pag wala ka na talagang magawa eh sasakyan mo nalang. Wala na tayong magagawa dun, kasi nakahanda na yung mga shits na pagdadaanan natin eh, lahat yun� Tama na siguro yung dalawang taong pag-sasarili ko dito sa kwarto ko. Gusto ko nang lumabas, gusto ko nang magising sa panaginip na to.
BABALIK ANG ISANG ILAW NA NAKA-TAPAT KAY JULIO. MAY KAKATOK.
Lalaking Nakaputi
Julio� O? Kumusta ka na?
JULIO
Heto, medyo natatauhan na rin� Gusto ko nang lumabas dito.
Lalaking Nakaputi
Tama yan, pero� di muna siguro sa ngayon. Hindi ganon kadali ang pag-galing ng isipan. O-obserbahan pa kita ng kaonti� Mga tatlong buan pa.
JULIO (CONT'D)
P-paggaling? Isipan?.... Tatlong buan? A-ano?!
Lalaking Nakaputi
Ayan, nagigising ka na. Ipag-patuloy mo lang ang ganyang pag-iisip baka mapa-aga pa ang release mo.
LALABAS NG PINTO ANG LALAKI. MAIIWANG MAG-ISA SI JULIO. LILIWANAG ANG BUONG PALIGID. PUTI ANG DINGDING, MALIIT ANG BINTANA. UUPO SIYA SA SAHIG AT HAHAWAK SA KANYANG ULO.
JULIO
(Kakanta)
Kailan� ako� lalaya� Sa anino ng� pag-iisa. Mga rehas lang ang tanaw� Nanginginig sa seldang� (Mula sa itaas, bababa ang bakal na rehas na nasa-sakop ang buong harap ng kwarto) Maginaw...
TABING

 

 

Copyright © 2002 Kris Diaz Uy
Published on the World Wide Web by "www.storymania.com"